^

Metro

Bagong anti-drug strategy ng PNP: Source, supplier tatargetin – Marbil

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bagong anti-drug strategy ng PNP: Source, supplier tatargetin – Marbil
PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa halip na mga ‘tulak’ at addict ng droga,  tatargetin ng Philippine National Police (PNP) ang mga pinanggaga­lingan at supplier ng illegal drugs sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kaugnay ng umano’y pinaigting na anti-illegal drugs stra­tegy kung saan inaasahan na mababasawan ang madugong engkuwentro sa pagitan ng mga street-level pushers at users.

Ayon kay Marbil mas nakapokus sila sa mga high value drug perso­nalities na utak ng bentahan ng malalaking  bulto ng iligal na droga at kumikita ng  malaki.

“We are now focusing on high-value drug perso­nalities and the movements of illegal drugs across the country. These are the real targets—those who orchestrate the trade and profit from it, not the street-level pushers and users, who are often victims of circumstance,” ani Marbil.

Naniniwala si Marbil na mas epektibo ang bagong estratehiya dahil mahalaga ang buhay ng tao at ang mga street level pushers at users ay biktima lamang ng pagkakataon.

Bunsod nito, tiniyak ni Marbil na pag-iiba­yuhin pa ang intelligence operations ng PNP at ang matatag na kooperasyon  sa mga komunidad upang tuluyang mabuwag ang drug traffic­king networks.

Inihalintulad ni Marbil sa mythical creature na “Hydra” ang bagong istratehiya kontra iligal na droga kung saan tatargetin nila ang puno o katawan ng sindikato upang hindi na dumami pa.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na mas pabor siya sa “bloodless” campaign laban sa illegal drugs.

MARBIL

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with