^

Metro

Barge bumangga sa tulay sa Pasig: 1 patay, 3 nawawala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Barge bumangga sa tulay sa Pasig: 1 patay, 3 nawawala
Nabatid na ang biktima ay isang 48-anyos na mekaniko na nagta­trabaho sa isa sa mga barge.
STAR/File

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon na isang lalaki ang kumpirmadong patay habang tatlong iba pa ang nawawala nang ta­ngayin ng rumaragasang baha ang ilang barge at bangka at sumalpok sa isang tulay sa Pasig City, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

Nabatid na ang biktima ay isang 48-anyos na mekaniko na nagta­trabaho sa isa sa mga barge.

Ayon kay Lt. Cmdr. Mike Encina, tagapagsalita ng PCG-National Capital Region at Central Luzon, mismong ang pamilya ng biktima ang nagkumpirma ng malungkot na balita.

Nabatid na ang biktima ay tinangay mula sa F. Manalo Bridge sa Pasig hanggang sa Delpan area sa Maynila.

Hulyo 25 umano nang magsagawa ng rescue operation sa mga barge ngunit Hulyo 27 nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Samantala, tatlong iba pang manggagawa na kinontrata ng Toyo Construction Company ang nawawala pa at patuloy na pinaghaha­nap ng mga awtoridad.

PASIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with