^

Metro

Driver, natagpuang patay at palutang-lutang sa baha; hinihinalang nakuryente

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Driver, natagpuang patay at palutang-lutang sa baha; hinihinalang nakuryente
The body of David Lipon Gerona is seen floating in the flood waters along Tayuman street in Manila yesterday.
Image taken from a video posted on Facebook by Angelo Cayabyab Buquel.

MANILA, Philippines — Hinihinalang nakuryente kung kaya’t namatay at natagpuang palutang-lutang sa tubig-baha ang isang driver sa Tondo, Manila kahapon ng hapon.

Ang biktima ay naki­lalang si David Gerona, 32, driver, at residente ng Fourth Estate, Para­ñaque City.

Batay sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7 (PS-7) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa baha, malapit sa isang poste ng kuryente sa tapat ng isang paaralan sa Tayuman St. sa Tondo.

Mismong ang kapatid ng biktima na si Juni Gerona, 32, driver, ang nakadiskubre sa bangkay.

Kaagad namang isinugod ni Juni ang kapatid sa Gat Andres­ Boni­facio Medical Center­ ngunit dead on arrival na ito.

Sa natanggap naman na tawag sa telepono ni PCMS August Centeno ng Station Base Desk, inimpormahan umano sila ni Nurse Merlinda Marquez na ang biktima ay namatay matapos na makuryente.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Manila Electric Company (Meralco) at pinatay ang suplay ng kuryente upang maiwasan na ang kahalintulad na pangyayari.

Samantala, napaulat na may dalawa pang binatilyo ang nakuryente rin habang naglalakad sa baha sa Malate, Manila.

Kapwa nasa maa­yos naman umanong kondisyon ang mga biktima na hindi na pinangalanan pa.

vuukle comment

MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with