^

Metro

Pasay LGU, ipinagdiwang ang Pride Month

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Ipinagdiwang nitong Biyernes ng Lungsod Pasay ang Pride Month sa temang #PasayOverLoved at pagwagayway ng kulay ng bahaghari, na simbolo ng LGBTQIA+ Community.

Pinangunahan ni Pasay Mayor Emi Calixto Rubiano ang okasyon, katuwang ang Pasay City Social Welfare Development Office, JCI Manileña at Konsehal Joey Calixto-Isidro.

Nagmartsa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Community ng lungsod para sa Pride March na nagtapos sa Pasay City Astrodome.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng HIV Awareness Talk ng City Health Office at nagkaroon ng paligsahan sa Spoken Poetry kasunod ang Awrahan Fashion Show.

Sinampolan naman sila ni Mayor Emi ng poetry sa tinurang:“Pasay ang inyong tahanan, Barbie man ang inyong laruan, Bola kung mapakinggan,Pero ang pagmamahal ng Ina, la­ging anjan. Ako na inyong Nanay, Karapatan nyo’y sa puso ko ilalagay, kayo ay aalagaan at ituturing kong kayamanan, Lagi at parati, Tapat kayong pagli­lingkuran.”

Nagtapos ang programa sa isang Variety Show na lalong nagpasaya sa gabi.

LUNGSOD PASAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with