70 PDLs mula NBP nakalipat na sa Leyte
MANILA, Philippines — Ligtas na nakarating nitong Linggo sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte ang 70 persons deprived of liberty (PDLs) na inilipat mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sinabi ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na sa mga inilipat, 50 PDLs ay nagmula sa Maximum Camp habang 20 ay mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC) ng NBP.
Ang patuloy na paglilipat ng mga PDL sa iba’t ibang operating prisons at penal farms ay bahagi ng pagsisikap ng BuCor sa decongestion at upang magbigay ng karagdagang manggagawa para sa mga proyektong pang-agrikultura.
Samantala, sinabi ni Catapang na isusulong niya ang muling pagbuhay sa pagtatayo ng corrections facilities sa Laur, Nueva Ecija, na inaprubahan na ng regional development council ng Central Luzon noong 2015.
- Latest