^

Metro

Ammonia, tumagas sa ice plant: 4 bumbero nahirapang huminga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Kalsada isinara, mga residente naapektuhan

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng ammonia leak mula sa isang planta ng yelo na nagdulot ng pagsasara ng kalye at pagpapasuot ng face mask sa mga residente at iba pang nasa malapit sa F.B. Harrison St., malapit sa panulukan ng Layug Street, Barangay 3, sa Pasay City nitong Lunes.

Ayon kay Fire Inspector Amado Rivera, ng Bureau of Fire and Protection (BFP), alas-9:50 nang magsimula ang ammonia leak mula sa pipeline sa loob ng  Summit Ice na matatagpuan sa F.B. Harrison St.

Agad namang na-shut down ang gate valve kaya nakontrol na ang paglaganap pa ng nakalalasong amoy, ayon kay Rivera.

Ipinahiram aniya, sa BFP ng Summit Ice ang kanilang ammonia meter para masuri ang kalidad ng hangin na naapektuhan ng ammonia leak sa lugar upang mamonitor at madetermina kung ligtas na sa mapanganib na amoy.

Isinara rin ang F.B Harrison mula Buendia hanggang Vito Cruz upang hindi muna daanan ang lugar habang hindi pa klaro sa panganib ng ammonia leak.

Rumesponde ang BFP at ilang fire volunteer trucks, habang ang mga tauhan ng barangay ay nag-iikot sa panawagang magsuot ng face mask upang hindi makalanghap.

Nabatid na apat na fire volunteer ang nahirapang huminga at isang empleyado ng Summit Ice ang nasaktan nang matapilok sa pagmamadaling makalabas sa planta.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi ng pagsingaw ng nasabing chemical.

ICE PLANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with