Pugante na killer ng 6 katao, sumuko - Abalos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pagsuko ng isang pugante na tinaguriang “most wanted” sa Samar at nahaharap sa anim na bilang ng pagpatay at iba pang kasong criminal.

Si Jimmy Managaysay Elbano,  alias ‘Bruno”, 36, isang magsasaka ng Purok 3, Brgy. Ang Villahermosa, Calbayog City, Samar, ay sumuko sa Calbayog City Police noong Linggo ng mada­ling araw.

Ayon kay Abalos, isa rin si Elbano sa most wanted persons sa bansa na may standing warrants para sa anim na bilang ng pagpatay, apat na bilang ng frustrated murder, dalawang bilang ng robbery with homicide, direct assault na may multiple attempted murder, at may patong sa ulo na P165,000.

Sa ginanap na press conference sa Catarman, Northern Samar, binanggit ni Abalos ang pinagsamang pagsisikap ng PNP, Philippine Army, at local government units sa lalawigan na nagresulta sa pagsuko ni Elbano.

“I would like to commend the Philippine National Police, Philippine Army, and the LGUs for the surrender of the most wanted person here in Region 8. Malaking bagay po ito para sa katahimikan dito sa rehiyon,” dagdag ng DILG chief.

Show comments