^

Metro

Ex-convict kinatay sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang ex-convict ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang ‘di kilalang lalaki, kamaka­lawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang inilarawan na nasa edad 30-35, may taas na 5’5, balingkinitan, at may tattoo na “Ratos Locos” sa dibdib, at “Jhoed Bahala na Gang” sa kanang balakang.

Itinuturo namang suspek ang isang nagnga­ngalang “Lakay” na nasa 35-40 anyos at payat ang pangangatawan na agad tumakas matapos ang ginawang pagpatay.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Jordan Barbado ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa harap ng isang supermarket sa panulukan ng EDSA at K-10, Barangay West Kamias, Quezon City.

Ayon sa saksing si Jay R Roquino, magkatabi silang nakaupo ng biktima nang biglang lumapit ang suspek at bumunot ng kutsilyo saka walang sabi-sabi pinagsasaksak ang biktima sa katawan hanggang sa bumagsak.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa krimen.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with