^

Metro

Wanted’ na helper, timbog sa Manila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natimbog na ng mga pulis ang isang helper na wanted sa batas dahil sa kinakaharap na kaso sa droga, sa isinagawang manhunt operation sa Binondo, Manila kahapon ng hapon.

Ang suspek ay nakilalang si Arian Reyes, 21, helper, at residente ng Lavezares St., Binondo, Manila.

Si Reyes ay itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Station Level dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas-2:25 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Lara St., kanto ng Madrid St., sa Binondo nang pinagsanib na puwersa ng Warrant, Subpoena Section, Intelligence Section, San Nicolas Police Community Precinct (PCP) at Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ng MPD.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang silbihan ng mga awtoridad ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Danilo Leyva, presiding judge ng Manila Regional Trial Court Branch 175 at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

PCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with