^

Metro

19 sasakyan natupok sa NAIA-3 parking area

Ludy Bermudo, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
19 sasakyan natupok sa NAIA-3 parking area
Sumiklab ang malaking sunog sa may parking lot extension ng NAIA Terminal 3 makaraang magliyab ang damuhan dahil sa tindi ng init ng panahon at mabilis na kumalat ang apoy na ikinatupok ng 19 nakaparadang sasakyan, kahapon ng hapon sa Pasay City.
Edd Gumban

Damuhan nagliyab dahil sa matinding init

MANILA, Philippines — Nasa 19 sasakyan na nakahimpil sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog bunsod sa hinihinalang nagliyab na talahiban dahil sa tindi ng init ng panahon, kahapon  ng hapon.

Sa panayam kay Manila International Airport Authority (MIAA) Ge­neral Manager Eric Jose Ines, umabot sa 19 ang inisyal na bilang ng mga sasakyang nasunog sa open parking area ng NAIA Terminal 3. 

Ayon kay Ines,  maaaring empleyado rin ng NAIA o MIAA ang mga nagmamay-ari ng ilang sasakyan, at iisa pa lamang kahapon ang lumapit at nagsabing pag-aari nito ang isa sa mga nasunog na sasakyan. 

Ang MIAA, ang may-ari ng nasabing parking area pero naka-lease ito sa hindi pa binanggit na umupa.

Wala namang nasugatan at wala ring flights na naapektuhan sa sunog dahil malayo ang rampa sa open space parking extension.

Sa ulat ni Fire Inspector Jaime Cera, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, ala-1:35 ng hapon nang magsimula ang sunog at idineklarang fire-out alas- 2:03 ng hapon.

“Grassfire” ang nakitang sanhi ng sunog, dahil sa mga tuyong damo sa open parking  na umapoy at nadamay ang mga nakahilerang sasakyan.

Ayon pa kay Insp. Cera, may iba pang fire trucks na tumulong sa pag-apula ng apoy. Malakas umano ang hangin kaya lumakas ang apoy na mabilis kumapit sa mga sasakyan na hindi na naisalba ng mga nagmamay-ari nito.

Makikita sa mga video na ipinoste sa social media ang malaking sunog habang isa-isang nagliyab ang mga sasakyan sa parking area ng paliparan.

 

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with