Presyo ng gasolina tataas, diesel, kerosene bababa
MANILA, Philippines — Malaking dagok na naman ang mararanasan ng mga motorista na gumagamit ng gasolina dahil tataas ang presyo nito sa susunod na linggo.
Ayon sa oil players, tataas ng mula 40 centavos hanggang 60 centavos ang presyo ng gasolina kada litro.
Gayunman, may pagbaba naman ang presyo ng diesel ng mula 60 hangggang 85 centavos kada litro.
Bababa rin ang presyo ng kerosene ng 60 hanggang 80 centavos kada litro.
Sinasabing ang nagdaang apat na araw na presyuhan ng produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price adjustment.
Tuwing Martes ipinatutupad ang pagbabago sa halaga ng petroleum products.
- Latest