^

Metro

Aplikante ng PNP, timbog sa pangingikil sa aplikante ng PCG

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Aplikante ng PNP, timbog sa pangingikil sa aplikante ng PCG
Kinilala ang suspek sa alyas Lowell, 32, Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Philippine National Police at aplikante sa PNP-Police Community Affairs and Development Group (PCADG), at residente ng Mandaluyong City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na nakapalag sa pag-aresto ang 23-anyos na aplikante sa pagpupulis, nang aktong tanggapin ang P30,000  na  hiningi niya sa isang babaeng aplikante naman sa Philippine Coast Guard (PCG), sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Southern District Field Unit (CIDG-SDFU), sa Parañaque City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek sa alyas Lowell, 32, Non-Uniformed Personnel (NUP)  ng Philippine National Police  at aplikante sa PNP-Police Community Affairs and Development Group (PCADG), at residente ng Mandaluyong City.

Batay sa ulat ng CIDG-SDFU, nakipagkita naman ang 32-anyos na biktima sa suspek dakong alas-9:30 ng gabi ng Abril 5, 2024  sa loob ng milktea shop.

Lingid sa suspek, kasama na ng biktima ang mga tauhan ng pulisya na nakasaksi sa pagtanggap sa P30,000 na hiningi niya sa biktima.

Isa sa dalawang  nabiktima ang nagpasaklolo sa Intelligence Office ng PCG matapos siyang muling tawagan ng suspek para sa panibagong P30,000.00. Una na umano siyang nagbigay ng kaparehong halaga kaya nagpasiyang isuplong ang suspek.

Ayon sa ulat, inamin ng suspek na hinihingan niya ng processing fee ang dalawang naging biktima na  kakilala naman niya kaya gustong matulungan subalit hindi naman aniya, pa tiyak ang slot.

Katwiran pa niya, wala siyang ipinangakong literal na slot, kungdi ilalakad o ipakikiusap pa lang niya ang dalawa sa PCG at hindi pa iyong garantiya na makakapasok ang mga biktima.

Nakapiit na sa custodial facility ng CIDG-SDFU ang suspek para sa isasampang reklamong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Estafa.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with