^

Metro

70-anyos inaresto sa NAIA sa paglabag sa RA 10591

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 70-anyos na lalaking pasahero ang nahuli sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10591.

Batay sa ulat ng NAIA Police Station 3, Aviation Security Unit NCR, tinangka ng suspek na magdeposito ng caliber .22 Ruger Pistol na may isang magazine assembly at isang caliber .45 thompson pistol na may tatlong piraso ng magazine at 20 basyo ng bala bago umalis sa Firearms Booth ng NAIA Terminal 3.

Sa beripikasyon, napag-alaman na hindi tumugma ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa serial number ng mga baril at tila pinakialaman ang serial number.

Ito ang nag-udyok sa Duty Firearms Facilitator na magsagawa ng pag-aresto laban sa indibidwal at binasahan ng kanyang Constitutional Rights na naitala bilang pagsunod sa Senate Bill 2199 o ang Body-Worn Camera Act.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station 3 ang suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso at ang mga nasamsam na baril at bala ay gagamitin bilang pansuportang ebidensya laban sa kanya.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with