^

Metro

Babae sumakay sa karo ng Poon, netizens nagalit

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Trending sa social media 

MANILA, Philippines — Ikinagalit ng mga netizen ang pagsakay at paghiga ng isang babae sa loob ng karo ng Poon na hila-hila naman ng kanyang mga kasamahan.

Ayon sa komento ng netizens, pambabastos ito sa Simbahan at paglapastangan ang ginawang paghiga sa karo na sinasakyan ng Poon tuwing may prusisyon.

Lumilitaw na trending sa social media ang ginawa ng grupo na may Facebook page na “Mellifluous” dahil sa hila-hila ng mga ito ang karo na may lamang babae sa loob na nagse-selfie pa.

Abot-abot din ang pamba-bash sa nasabing video dahil lantarang pambabastos umano ito sa himlayan ng Panginoon.

Ayon sa mga netizen, dapat ay naiisip ng publiko ang kanilang mga ginagawa at mga ina-upload sa social media.

Dagdag pa ng netizen, Holy Week man o hindi, hindi dapat na gawing “content” ang pambabastos sa Poon.

POON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with