^

Metro

Pulis sa Barangay Program magbabalik ng tiwala ng publiko sa PNP- DILG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis sa Barangay Program magbabalik ng tiwala ng publiko sa PNP- DILG
Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos
PNA/File

MANILA, Philippines — Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na unti unti nang naibabalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis dahil sa patuloy ba implemen­tasyon ng Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) program.

Kasama si PNP Directorate for Police Community Relations PMGen. Edgar Alan Okubo at utak ng RPSB, Muntinlupa City Mayor Rozzano Rufino Biazon at DILG Undersecretary Odilon Pasaraba, nagtungo sa Barangay Putatan sa Muntinlupa City, si Abalos upang makita ang pagbabago at progreso sa pagpapatupad ng RPSB kung saan ipinakita ang malasakit ng pulis sa publiko.

Ayon kay Abalos, taong 2011 ng unang isagawa ang RPSB at pinalawak noong 2019 upang mas marami pang barangay ang maka ‘face-to-face’ ng mga pulis at sa masiguro ang peace and order sa mga barangay.

Maliban sa pag­mementina ng peace and order, tumutulong din ang mga pulis sa pag- aasikaso ng mga nais na kumuha ng live birth cerficate, ID at libreng theoretical dri­ving course.

Naglalaan din ng mga home medical assistance at lecture para sa programang DILG’s Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Sinabin naman ni Okubo na ang RPSB ay isang 6 na buwang immersion program sa mga pulis upang maunawaan ang mga tungkulin at pagseserbisyo sa mga barangay. Isasabak ang mga pulis sa barangay upang matukoy ang tunay na pangangailangan at magawan ng solusyon.

Dagdag ni Okubo, hindi dapat na katakutan ng publiko ang mga pulis dahil ito ang tunay na kakampi.

vuukle comment

BENHUR ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with