Independent autopsy sa labi ni Zulueta, hirit ng pamilya-Lapid
MANILA, Philippines — Isang independent autopsy report ang hiling ng pamilya ng pinaslang na brodkaster na si Percy Lapid sa naiulat na pagkamatay ni dating Bureau of Corrections (BuCor) deputy security officer Ricardo Zulueta, upang maipakita sa publiko na habol nila ang katotohanan.
“We would like the (Philippine National Police) to ascertain the real cause of his death since he was originally tagged as one of the masterminds in the killing of @lapidfire,’’ ani Mabasa sa isang panayam ng media.
Kasunod ito ng mga ulat na si Zulueta ay pumanaw sa heart failure sa Bataan Peninsula Medical Center noong Marso 15, 2024, batay sa natanggap na report ng Dinalupihan Police .
Sabado naman nang iutos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ni Zulueta batay sa “circulating death certificate”.
Sinabi naman ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano na nakuhanan na ng larawan at fingerprints ang labi ni Zulueta.
Matatandaang sina Zulueta, dating BuCor Director General Gerald Bantag na sinasabing masterminds, at iba pang sangkot sa pamamaslang kay Lapid noong Oktubre 3, 2022 ay pawang kinasuhan ng murder. Akusado rin sila sa pagkamatay ng person deprived of liberty (PDL) na si Cristito Villamor Palanan na nagsilbing middleman sa nasabing krimen noong Okt. 18, 2022.
- Latest