^

Metro

BI nagbabala vs. pekeng social media accounts

Mer Layson, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabalang muli si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa publiko hinggil sa pagkalat ng mga peke o scam accounts sa social media.

Ayon kay Tansingco, nakatanggap ng report ang kanilang tanggapan hinggil sa mga email accounts at social media pages na nagpapanggap bilang official pages at nang-e-extort ng pera sa ilang indibidwal.

Aniya, noong Pebrero, ang BI ay nakatanggap ng impormasyon hinggil sa isang email address na nagpapadala ng invoices at nagre-request ng P25,000 para sa isang umano’y package mula sa Japan.

Isa pang kahalintulad na reklamo ang kanilang natanggap na nang-e-extort naman umano ng P3,000 mula sa biktima nito kapalit nang pag-release ng package mula sa Syria habang isa pang hinihingian naman umano ng P20,000 para sa release ng isang luggage na pinipigil sa airport.

Paglilinaw naman ni Tansingco, ang BI ay hindi konektado sa pagre-release ng mga parcel o mga kargo.

Tiniyak din niya na naipadala na nila ang detalye ng mga kaso sa Cybercrime investigation and Coordina­ting Center (CICC) para sa kaukulang imbestigasyon.

Matatandaang noong 2022, lumagda ang BI ng coordination agreement sa CICC upang palakasin pa ang kanilang pagsusumikap laban sa cybercrimes.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with