^

Metro

2 miyembro ng ‘Budol-Budol’, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 miyembro ng �Budol-Budol�, timbog
Positibong kinilala ng biktimang si Angel Munoz, 34, ang mga suspek na sina Rosalina Soriano, 63 at Michael Remigio,40 kapwa residente ng Peace Village, Antipolo City.
Philsatr.com/ Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng ‘Budol-Budol Gang’ ang  nasakote ng mga awtoridad nang ireklamo ng isang negosyante,  kamakalawa ng  gabi sa Brgy. Maharlika, Quezon City.

Positibong kinilala ng biktimang si Angel Munoz, 34, ang mga suspek na sina Rosalina Soriano, 63 at Michael Remigio,40 kapwa residente ng Peace Village, Antipolo City.

Sa pagsisiyasat ni PCpl Jose Eusebio Banua ng  Quezon City Police District-Police Station 1, nangyari ang insidente dakong alas-6  ng gabi kamakalawa sa loob ng  Z-Empire Auto Accessories Shop na nasa Don Manuel St., Brgy. Maharlika, Quezon City.

Lumilitaw na nagpakilalang mga empleyado ng  Bureau of Internal Revenue  (BIR) ang  mga suspek at sinabihan ang  biktima na aasikasuhin ang kanyang business  tax mapped.

Kapalit nito, pinilit ng  mga suspek ang biktima na  bumili ng  umpiang  shanghai na nagkakahalaga ng P5,000.

Agad namang nagbigay ng P5,000 ang biktima sa suspek na mabilis ding umalis ng nasabing establisimento.

Dito na naisip ng biktima na nabudol siya ng  mga suspek kaya humingi ng  tulong sa  Brgy. Maharlika at police station.

Makalipas ang ilang minuto, nakalawit ng mga pulis ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng  kasong Swindling at Usurpation of Authority sa  piskalya.

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with