^

Metro

2-araw na Mega Job Fair, aarangkada sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga Manilenyo na naghahanap ng trabaho.

Inanunsyo kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay magdaraos ng dalawang araw na ‘Mega Job Fair’.

Ayon kay Lacuna, isasagawa ang job fair sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO), na pinamumunuan ni Fernan Bermejo, katuwang ang Department of Labor and Employment - National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.

Idaraos aniya ito sa Robinson’s Manila, Level 1, Midtown Atrium simula ngayong araw, Pebrero 23, hanggang bukas, Pebrero 24, mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi.

Hinikayat din ni Lacuna ang mga Manilenyo na samantalahin ang pagkakataon at lumahok na sa job fair, kung saan inaasahang libu-libong trabaho ang naghihintay para sa kanila.

Bukas ang job fair para sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/vocational graduates.

vuukle comment

HONEY LACUNA

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with