^

Metro

Alitan nauwi sa saksakan: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa saksakan ang alitan ng dalawang lalaki na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila at pagkasugat naman ng isa pa sa Sta. Cruz, Manila ka­makalawa.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Angelo Rodriguez, 24, residente ng Yanga St., Maysilo, Malabon City.

Samantala, sugatan naman at naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang suspek na si Allen Reyes, 39, ng Maria Natividad St., Brgy. 366, Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nabatid na dakong alas-4:50 ng hapon nang maganap ang krimen sa Antipolo St., kanto ng Leonor Rivera St., sa Sta Cruz.

Nauna rito, sa ‘di pa batid na kadahilanan ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek.

Kaagad naman silang naawat ni Barangay Councilman Benitez.

Gayunman, matapos ang ilang minuto, bumalik umano ang biktima at kaagad na sinugod ang suspek at pinagsasaksak.

Kahit sugatan, nagawang gumanti ng suspek at pinagsasaksak din ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kamatayan nito.

Kaagad na tumakbo ang biktima ngunit bago pa man tuluyang nakalayo ay humandusay na sa kalsada.

Isinugod ang dalawa sa pagamutan ngunit dead-on-arrival na ang biktima.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinag­a­wayan ng dalawa na nauwi sa saksakan.

vuukle comment

CRIME

KNIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with