^

Metro

3 paaralan sa Taguig, nakatanggap ng bomb threat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panibagong bomb threats ang bumulabog kahapon sa tatlong paaralan sa Taguig City, isang araw matapos ang magkakasunod na email bomb threats sa ilang tanggapan ng mga ahensya ng gobyerno.

Dahil sa pangamba na natanggap na bomb threat bago mag-alas-12:00 ng tanghali kahapon, pinauwi na ang mga estudyante ng University of Makati (UMAK) na matatagpuan sa West Rembo, sa  huridiskyon sa Taguig City.

Kabilang din sa nires­pondehan ang mga awtoridad ang bomb threats sa Bonifacio Elementary School at West Rembo Elementary School sa nasabing lungsod.

Gayunman, negatibo naman sa anumang pampasabog o bomba ang eskwelahan matapos ang inspeksyon, ayon kay Taguig City Police Director P/Colonel Robert Baesa.

Nitong Pebrero 12 nang bulabugin din ng bomb threats ang ilang ahensya ng pamahalaan sa Quezon City, Taguig, Bataan at Olongapo.

Kabilang sa nires­pondehan ng Taguig City Police ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) at Department of Science and Technology (DOST).

Nagmula umano ang banta sa email na ipinadala ng isang Takahiro Karasawa na may pasasabugin sa ganap na alas-3:34 ng hapon nitong Lunes. Ito ay kasalukuyang iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI)

Patuloy pang iniimbestigahan ng Taguig City Police Station  ang insidente kung may kinalaman din sa naganap na serye ng bomb threats ang insidente sa UMAK.

BOMB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with