Most wanted sa Pasig dahil sa kasong rape, timbog
MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng pulisya ang isang helper na tinaguriang Top 1 most wanted person ng Pasig City Police dahil sa kasong apat na bilang ng statutory rape.
Kinilala ni Pasig City Police chief P/Col. Celerino Sacro Jr. ang suspek na si alyas Noel, 22, at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang madakip ng pinagsanib na puwersa ng Pasig CPS Warrant and Subpoena Section, Women’s and Children Protection Desk at RIU-NCR, ang suspek, sa Bolante Uno, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.Hindi na nakapalag pa ang suspek nang isilbi sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jesus Angelito Jr., presiding judge ng Pasig City Regional Trial Court Branch 261.
Nabatid na walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek, na kasalukuyang nakadetine sa custodial facility ng Pasig City Police habang hinihintay pa ang commitment order ng hukuman laban sa kanya.
- Latest