^

Metro

‘Gunrunner’ timbog sa raid sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Gunrunner’ timbog sa raid sa Caloocan
Ang nasakoteng suspect ay itinago sa alyas “Egay” na hindi na nakalapag matapos makorner ng mga awtoridad sa kaniyang hideout sa Phase 9, Package 4, Block 40, Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang ng lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga operatiba ng pulisya ang isang pinaghihinalaang miyembro ng gunrunning syndicate na ang sentro  ng operasyon ay sa hilagang Metro Manila matapos salakayin ang hideout nito sa Caloocan City, ayon sa opisyal kahapon.

Ang nasakoteng suspect ay itinago sa alyas “Egay” na hindi na nakalapag matapos makorner ng mga awtoridad sa kaniyang hideout sa Phase 9, Package 4, Block 40, Lot 8, Brgy. 176, Bagong Silang ng lungsod.

Bandang alas -9 ng umaga nang isagawa  ng mga tauhan ni Caloocan City Police Chief  P/Col. Ruben Lacuesta ang operasyon matapos namang matukoy ng mga awtoridad kung saan nagtatago ang target.

Nakumpiska nina P/Maj. Edsel Ibasco, commander ng Caloocan Police Sub-Station-12, sa suspek ang isang semie-automatic grease gun na may 10 bala ng kalibre .9mm sa magazine.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na ginawang hideout ni Egay ang naturang lugar kung saan nag-aalok at nagbebenta umano ng mga baril sa kanyang mga target buyers.

Kaagad nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya hanggang makakuha sila ng sapat na impormasyon sa taong personal na nakakakilala kay Egay, pati na ang kanyang mga criminal record sa ilang korte, na kanilang nagamit upang makapag-apply ng search warrant sa hukuman.

Nang maglabas ng search warrant si Caloocan Regional Trial Court (RTC) Judge Glenda K. Cabello-Marin ng Branch 124 nitong Enero 26, 2024, kaagad isinagawa ng pulisya ang sorpresang pagsalakay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspect at pagkakumpiska sa baril na walang kaukulang dokumento.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with