^

Metro

Tuluyang pagpapahinto sa PUV modernization igigiit ng Piston

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tuluyang pagpapahinto sa PUV modernization igigiit ng Piston
Members and supporters of transport groups PISTON and MANIBELA come together in a protest against jeepney phase out and consolidation deadline under the PUV Modernization Program last January 2024
Released / PISTON

MANILA, Philippines — Nagpapakita lamang umano na pursigido ang pamahalaan sa implementasyon ng PUV mo­dernization kung kaya’t pinalawig pa ng tatlong buwan  ang consolidation.

Ito ang reaksiyon ni Steve Ranjo, secretary general ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kaugnay sa  pag-extend ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa public utility vehicle (PUV) hanggang Abril 30.  Ang PUV consolidation ay requirement  tungo sa PUV modernization.

“Temporary retrieve lang ‘yan sa amin. Pero nangangahulugan lamang ‘yan na pursigido ang Pangulong Marcos na maituloy ang PUV modernization kaya’t kami ay binibigyan ng tatlong buwan pa para mag-consolidate na rin” sabi ni Ranjo.

Binigyang diin nito mas masisiyahan sila kung pabor sa kanila ang ipalalabas na desisyon ng Korte Suprema sa hinain  nila na makapagpalabas ito ng TRO laban sa PUV modernization at consolidation dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw at kailangan pang maliwanagang mabuti ang mamamayan tungkol sa isinusulong na PUV modernization ng gobyerno.

Dapat din anyang ikonsidera ng Korte Suprema sa gagawing desisyon nito ang pahayag ng ilang mambabatas sa Kongreso na hindi kumbinsido sa PUV modernization dahil magdudulot lamang ito ng ‘transport crisis” at maaapektuhan nito ang may 28.5 milyong commuters natiownwide dahil tatanggalin ng programa ang mga tradisyunal na jeep.

Gayunman, sinabi ni Ranjo na patuloy ang kanilang gagawing pagkilos laban sa naturang programa na anila’y magdudulot lamang ng matinding kagutuman sa milyun-milyong mamamayan ng bansa.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with