^

Metro

Matapos na masangkot ang 177 pulis, Reporma sa hanay ng NCRPO, paiigtingin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director PMGen. Melencio Nartatez, Jr. na magpapatupad sila ng mga bagong polisiya at reporma para tuluyang malinis ang kanilang hanay sa iligal na droga.

Ito’y makaraang ­ianunsyo mismo kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may 177 parak sa Metro Manila ang nasampahan na ng kaso kaugnay sa ibat-ibang drug-related offenses. Kabilang dito ang pagtatanim na ebidensya, unlawful arrests, at excessive violence.

Ayon kay Nartatez, bagama’t maliit na porsiyento lamang ito sa bilang ng mga pulis sa NCR, hindi pa rin dapat na nasasangkot sa anumang  gawaing iligal ang mga pulis na siyang nagpapatupad ng batas.

Giit ni Nartatez, gagawin nila ang lahat ng paraan upang maiwasan pang masangkot ang mga pulis lalo pa at hangad nila na  makuha ang tiwala ng  publiko.

Aminado si Nartatez na marami pa silang kinakailangang gawin para maibalik ang tiwala ng publiko at desidido silang gawin ito.

Kaugnay niyan, sinabi ni Nartatez na kasalukuyan nang nililitis ang 177 na mga pulis na aniya’y sumisira sa tiwala ng publiko at niyurakan ang integridad ng PNP.

Dahil dito, puspusan ang gagawin nilang paglili­nis sa kanilang hanay upang patunayang seryoso sila na labanan ang iligal na droga.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with