^

Metro

Lalaki nag-bomb joke sa misa sa Quiapo, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki matapos magbiro na mayroong bomba sa loob ng simbahan ng Quiapo sa gitna ng isinasagawang misa, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang inaresto na si Dennis Garcia, 42, ng  Salazar St., Brgy. Talipapa, Quezon City.

Ayon sa pulisya, kasalukuyan umanong  nasa gitna ng pang-alas-5 ng madaling araw na misa nang biglang magsisigaw ang suspek na may bomba sa loob ng simbahan. Nagdulot ito ng bahagyang pagkabahala sa mga dumadalo sa misa bago umaksyon ang mga guwardiya ng simbahan at mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) at inaresto siya.

Nagmakaawa naman ang suspek na huwag siyang arestuhin dahil sa nagbibiro lamang umano siya.

Sa kabila nito, itinuloy ng mga pulis ang pagposas sa kaniya, dinala sa pagamutan para sa medical check-up bago dinala sa pre­sinto.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 (Declaring as unlawful the malicious dissemination of false information of the wifull making of any threat concerning bombs, explosives, or any similar device or means of destruction).

Kapag napatuna­yang nagkasala, papatawan ang suspek ng pagkakulong na hindi hihigit sa limang taon at multa na hindi lalagpas sa P40,000, depende sa desisyon ng korte.

vuukle comment

DENNIS GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with