^

Metro

Sekyu na nagpaputok ng baril noong Bagong Taon, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sekyu na nagpaputok ng baril noong Bagong Taon, timbog
Kinilala ang suspek na si Boy Bagua, 44, residente ng naturang barangay.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang security guard na iligal na nagpaputok ng baril noong pagsalubong sa Bagong Taon sa Brgy. Baesa, sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Boy Bagua, 44, residente ng naturang barangay.

Naaresto ito ng Talipapa Police Station (PS 3), matapos makatanggap ng sumbong kaugnay ng indiscriminate firing sa Baesa Road, Brgy. Baesa, Quezon City.

Lumilitaw na nakainom ang suspek at naka­sukbit pa ang baril sa kanyang baywang nang arestuhin.

Narekober naman dito ang isang ARMSCOR 202 Cal. 38 SPL na kargado pa ng bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 11926, o Indiscriminate Discharge of Firearms, at R.A. 10591, o Comprehensive Firearms and Regulation Act.

Samantala, ikinatuwa ni Quezon City Police District Director PBGen. Redrico Maranan na walang naitalang kaso sa  8 focus crimes sa pagsalubong sa taong  2024.

Malaking tulong din umano ang kampanya laban sa paputok at pagtatalaga ng QC LGU ng mga lugar  para sa mga firecrackers.

vuukle comment

ARRESTED

GUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with