^

Metro

Patay na aso sa kahon, nagdulot ng ‘bomb scare’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Patay na aso sa kahon, nagdulot ng �bomb scare�
Ininspeksyon ng tauhan ng Manila Police District Bomb expert EOD ang isang kahon na iniwan sa may Ayala Bridge sa Manila kahapon na nagdulot ng ‘bomb scare’ sa publiko.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nagdulot ng pangamba sa publiko ang isang kahon na unang inakala na may laman na bomba nang iwan sa gitna ng Ayala Bridge sa Ermita, Maynila na kinalaunan ay nadiskubreng naglalaman ng patay na aso.

Sa inisyal na ulat ng MPD-District Explosive and Canine Unit  (MPD-CEDU), ala-1 ng hapon nang rumesponde ang kanilang mga tauhan sa isang ulat na isang kahon na selyado ng packaging tape ang natagpuan sa naturang tulay.

Isang concerned citizen ang unang nakatagpo nito at unang ipinagbigay-alam sa isang naka-duty na traffic enforcer na siya namang humingi ng tulong sa pulisya.

Agad na kinordonan ng mga pulis ang tulay at ipinahinto ang trapiko, saka ginamit ang kanilang K9 sniffing dog. Dito nagpakita ng senyales na negatibo sa bomba ang kahon.

Nang buksan ang kahon, tumambad sa mga pulis ang patay na aso na natatabunan ng mga gamit na damit.

Posible umano na inilaglag ang kahon ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa tulay para lang maitapon ang aso at hindi na mag-abala sa paglilibing nito.

vuukle comment

BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with