^

Metro

Sakto lang ang budget para sa Pasko? Sagot ka ng GCash Sakto Loans

Pilipino Star Ngayon
Sakto lang ang budget para sa Pasko? Sagot ka ng GCash Sakto Loans
Sa GCash Sakto Loans, mayroon nang pahiram na sakto lang sa madalian o hindi inaasahang gastusin. 
Photo Release

MANILA, Philippines — Palapit na nang palapit ang Pasko at ramdam na ang kasiyahan sa buong bansa—dala ng paglamig ng simoy ng hangin ang iba’t ibang kantahan, nagliliwanagang ilaw sa mga bahay at kalye, umaapaw na handaan at bigayan ng aguinaldo at regalo.

Kasabay din nito ang kaba sa karagdagang gastusin at bilihin. Dati, ito ang mga panahong kailangang tiyagain ng mga Pilipinong kinukulang ng pambayad o, mas malala, kinakailangang hiramin sa kamag-anak o kaibigan kapag talagang walang ibang paraan.

Ngayon, sa GCash Sakto Loans, mayroon nang pahiram na sakto lang sa madalian o hindi inaasahang gastusin. 

“Ang Pasko ay dapat na panahon ng kasiyahan at pagdiriwang, hindi sana paglundo sa biglang dami ng kailangan bayaran at bilhin,” ani ni Tony Isidro, CEO ng Fuse. “Gusto naming makatulong sa mas maraming Pilipinong nangangailangan ng pambale nang hindi kinakailangang maghintay ng grasya o umasa sa iba.”

Kapag ang GCash user ay hindi pa eligible o qualified sa mas malakihang pahiram ng GLoan, GSave o GGives, available ang GCash Sakto Loans para sa saktong pangangailangan. Wala itong karagdagang interest, maaring bayaran sa kinsenas at katapusan ng buwan at may maliit lamang na processing fee, mula P6.50 to P75, depende sa halaga ng hiniram. Higit sa lahat, walang kailangang papeles o requirements na kailangang i-submit para maka-avail ng GCash Sakto Loans.

Kailangan ng cash? I-GLoan Sakto Mo

Sa dami ng mga pangyayari bago magpasko, hindi maiwasang makalimot ng mga kailangan sa bahay o lumampas sa budget ng handaan o pang-regalo. Sa mga panahong kailangan ng mabilisan at biglaang bayarin, sagot ng GLoan Sakto ang pambale mo.

Sa GLoan Sakto, makakahiram ang GCash user ng instant cash sa halagang P100, P300 o P500. Kapag nabayaran na ang Sakto Loan, maaaring bumale pa ulit kung kinakailangan.

Para magka-instant cash mula sa GLoan Sakto, buksan ang GCash app, i-tap ang “Borrow” at gawin ang sumusunod: 

  1. Tap GLoan, tapos ang “Get Started."
  2. Piliin kung para saan ang loan at i-tap ang “Get this loan."
  3. Siguraduhing tama ang personal information at mag-agree sa Data Privacy Agreement at loan agreements.
  4. Siguraduhing tama ang halaga ng makukuha sa GCash at i-tap ang “Confirm."
  5. Hintayin ang OTP mula sa GCash, ilagay ito sa app at i-tap ang “Submit.” Makakakuha ang users ng mensahe mula sa GCash kung eligible sila para sa GLoan Sakto. 

Makakakuha ang users ng message mula sa GCash kung sila ay eligible mag-avail ng GLoan Sakto. 

Bitin ang budget sa noche buena at kailangan ng extrang pamasahe para makabisita sa mga kamag-anak? Sagot ka ng GCash dahil kaya mo agad bayaran ang bilihin sa GLoan Sakto.

Need ng pambale para sa mga bilihin ngayong Christmas? I-GGives Sakto mo!

 

Dahil mas espesyal ang panahon pag Pasko, minsan mas espesyal din ang gastusin. Para sa iyo man o para sa iyong mahal sa buhay, kaya na ring bumale kapag napamahal ng kaunti sa paggamit ng GGives Sakto.

Sa GGives Sakto, maaring makahiram kung kailangan pa ng konting oras para mabayaran ang gastusin. Maaaring humiram ng P300 hanggang P500 na may katumbas na processing fee. Maaari ring magkaroon ng higit sa isang GGives Sakto loan, depende sa eligibility ng bawat GCash user na makikita sa dashboard ng GCash app.

Madali lamang i-activate ang GGives Sakto. Buksan ang GCash app at i-tap ang “Borrow”. 

  1. Hanapin ang GGives at i-tap ang “Get Started”.
  2. Basahin ang details at i-tap ang “Next.'
  3. Ilagay lahat ng hinihinging impormasyon at i-tap ang “Next."
  4. Hintayin ang OTP mula sa GCash, ilagay ito sa app at i-tap ang “Submit." Lalabas ang bagong page para sa confirmation na activated na ang GGives.

May nalalapit na bilihin na hindi kaya ng budget? Sagot ka ng GCash at kayang i-GGives Sakto ang napalaking bilihin.

Eligible ang user sa GCash Sakto Loans basta sila ay Filipino citizen, 21 to 65 years old, may fully verified GCash account, maganda ang credit record sa app at walang kahit anong fraudulent transactions at may magandang GScore sa pamamagitan patuloy na paggamit ng GCash.

Sa dami ng kailangang alalahanin sa panahon ngayon, importante pa ring tandaan ang tunay na kahulugan ng Pasko—ang pagsama-sama ng mga pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay. Matapos ang ilang taon ng tahimik at maingat na Pasko, tuloy-tuloy na ang kasiyahan at handaan ng mga Pilipino. Tumaas man ang gastusin ngayong Pasko, sagot ng GCash Sakto Loans ang pambale mo.

 

Maaaring ma-access ang GCash Sakto Loans sa GCash dashboard o kaya’y i-click ang “Borrow” button. Wala pang GCash? I-download na ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store o Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!

GCASH

LOANS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with