^

Metro

Tirador ng ‘texas’ arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang electrician  nang mahuli sa aktong  itinatakas ang isang mamahaling manok panabong kamakalawa ng  gabi sa Quezon City.

Sinampahan ng  kasong Qualified Theft ang  suspek na si  Alvin Ortega, 32, ng   Alupihan Dagat, Brgy. Lungos, Malabon.

Batay sa reklamo ni  John Eric Garcia, 29 sa Quezon City Police  District  Police Station 10 (Kamuning), dakong alas -11 ng gabi nitong  Huwebes nang  maganap ang pagnanakaw ng suspek.

Pauwi na  si Garcia sakay ng kanyang motorsiklo nang makita niya ang suspek na papalabas ng kanyang bahay sa   Campopot St., Brgy. Roxas District, Quezon City.

Bitbit ng  suspek ang isang  ecobag na naglalaman ng  dalawang   texas na nagkakahalaga ng P24, 0000.

Agad  na sinita ni Garcia ang suspek na nagtangka pang tumakas.

Nabawi naman ang isang manok panabong subalit nawawala  naman ang isa pa.

Inaalam naman ng pulisya kung   may koneksiyon ang suspek sa  ilan pang insidente ng nakawan ng manok sa lungsod.

vuukle comment

ALVIN ORTEGA

TEXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with