Convicted rapist na inaresto sa Pasig, hindi driver ng WHO
MANILA, Philippines — Nilinaw ng pamunuan ng World Health Organization (WHO) na hindi nila driver ang isang convicted rapist na inaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police sa Ermita, Manila.
Sa isang pahayag, mariing pinabulaanan ng WHO na driver nila ang isang alyas “Dennis” na dinakip ng Pasig City Police sa TM Kalaw Avenue, Ermita noong Nobyembre 13 matapos na ma-convict sa kasong Qualified Rape.
Binigyang-diin din ng WHO na sila ay nagpapatupad ng “zero tolerance” sa anumang uri ng sexual misconduct, kabilang na rito ang rape at ang sinumang tauhan na mapatunayang sangkot sa ganitong uri ng krimen ay kaagad umano nilang papatawan ng dismissal.
“WHO has zero tolerance for any form of sexual misconduct, including rape. WHO staff and collaborators are, at all times, expected to work and behave in a manner that respects WHO’s policies, including those related to sexual misconduct. Sexual misconduct by anyone working for or with WHO is unacceptable, and can lead to immediate dismissal,” ayon pa sa WHO.
Dagdag pa nito, “WHO can confirm that the concerned individual is not a WHO staff member or collaborator. WHO stands ready to support the authorities as may be required.”
Unang iniulat ng pulisya na si alyas Dennis, 53, nagtrabaho umano bilang driver ng Western Pacific Region Office ng WHO sa United Nations Avenue at residente ng Brgy. Dalig, Antipolo City, ay itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa 4th Quarter CY 2023 matapos na ma-convict sa kasong qualified rape.
Nagkasa ng operasyon ang awtoridad laban kay Dennis na ikinadakip nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Jesus Angelito Huertas Jr., Presiding Judge ng Pasig City RTC Branch 261 para sa nasabing kaso.
- Latest