Houseboy kinasuhan sa pagnanakaw ng nasa P27 milyong halaga ng alahas at cash ng amo
MANILA, Philippines — Kinasuhan ng National Bureau of Investugation (NBI) ang isang houseboy makaraang pagnakawan ng nasa P27.1 milyong halaga ng alahas at cash ang kanyang dating amo sa Quezon City.
Kasong theft ang iniharap ng NBI sa city prosecutor’s office laban kay Aldrin Delos Santos, na sinasabing anim na taong nanilbihan bilang houseboy sa kanyang amo.
Nadiskubre lamang umano ng biktima ang pagnanakaw sa kanya isang buwan matapos na mag-resign si Delos Santos noong nakalipas a Setyembre sa dahilang aalagaan umano ang may sakit na ina.
Oktubre 5 nang madiskubre ang pagnanakaw nang mapansin ng amo nito na nawawala ang milyun-milyong halaga ng kanyang alahas.
Nadakip ang suspect noong Oktubre 26 nang bumalik pa ito sa bahay ng kanyang amo at muling magtangkang magnakaw sa pamamagitan nang pagdaan sa likurang pintuan patungo sa kuwarto ng biktima.
Nagtangka itong tumakas matapos pero nasakote rin ng NBI.
Narekober sa suspect ang nasa P27-M halaga ng alahas at P100,000 cash na inilagay sa paper bag at body bag.
- Latest