^

Metro

PCG: 2 missing na mangingisda nasagip sa West Philippine Sea

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ligtas na ang dalawang mangingisda  na naiulat na nawawala nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bulig Shoal na sakop ng West Philippine Sea.

Nabatid na nawala malapit sa Bulig Shoal ang mga mangingisda matapos maubusan ng gasolina ang kanilang sinasakyang motorbanca.

Bunsod nito, tinangay ang bangka ng mga ma­ngingisda ng malakas na hangin at sa hampas ng malalaking alon palayo sa kanilang mother boat na FB Lantis Andrei, at mawala ng halos dalawang araw.

Naging mabilis ang  komunikasyon ng Naval Forces West sa Coast Guard District Pa­lawan para humingi ng tulong sa pagsasagawa ng search and rescue augmentation.

Tumugon naman ang PCG sa pamamagitan ng pagpapadala nito ng BRP Sindangan sa lugar, kung saan matagumpay na natagpuan ang dalawang nawawalang mangingisda.

Agad na binigyan ng PCG ng medical assistance at pagkain ang mga mangingisda, at tiniyak na nasa maayos silang kalusugan.

vuukle comment

PCG

SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with