^

Metro

Ina ng beauty queen, huli sa carnapping

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ina ng beauty queen, huli sa carnapping
Sa impormasyon mula sa PNP Public Information Office, nadakip ang 64-taong gulang na ina ni Wilson dakong alas-9:55 ng umaga sa may Brgy. Ususan, ng natu­rang siyudad.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ina ng beauty queen na si Maggie Wilson dahil sa kasong carnapping sa Taguig City, kahapon.

Sa impormasyon mula sa PNP Public Information Office, nadakip ang 64-taong gulang na ina ni Wilson dakong alas-9:55 ng umaga sa may Brgy. Ususan, ng natu­rang siyudad.

Ayon kay PNP PIO chief, PCol Jean Fajardo, inihain ng mga tauhan ng Taguig City Police ang warrant of arrest sa suspek dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10883, o ang New Anti-Carnapping Act.

Inilabas ang warrant ni Judge Antonio Olivete ng Taguig Regional Trial Court Branch 267.

Inihayag din ni Wilson sa kaniyang social media account ang pag-aresto sa kaniyang ina. Ipinagtataka niya kung paano nadawit ang kaniyang ina sa carnapping, gayung hindi umano ito marunong magmaneho at walang driver’s license.

Nagtakda ang korte ng P300,000 halaga ng piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.  

vuukle comment

JEAN FAJARDO

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with