^

Metro

Toll plazas, na lalahok sa dry run ng contactless toll collection, madaragdagan pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Toll Regulatory Board (TRB) na madaragdagan pa ang bilang ng mga toll plaza na lalahok sa dry run ng contactless toll collection.

Nabatid na ito na ang ikaapat na batch ng mga toll plazas sa bansa na sasali sa naturang dry run.

Sa abiso ng TRB, nabatid na simula sa Set­yembre 28 ay kasama na rin sa dry run ang Filinvest Entry, Sta. Rosa NB Entry at Exit at Calamba NB Exit ng South Luzon Expressway (SLEX); gayundin ang Quezon Avenue NB Exit ng Metro Manila Skyway Stage 3 (MMSS3) na gumagamit ng AutoSweep RFIDs.

Sa Oktubre 1 naman ay magsisimula na ring lumahok sa dry run ang Tabang Entry at Exit at Angeles Entry at Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) na gumagamit ng EasyTrip RFIDs.

Ayon sa TRB, ang mga non-participating toll plazas ay patuloy pa ring mangungulekta ng toll fee sa pamamagitan ng ETC (RFID) lanes at cash lanes.

Paglilinaw nito, bagamat pinapayagan pa rin ang cash payment ng toll fees, hinihikayat ang mga motorista lumipat na sa RFID para sa mas mabilis at mas kumbinyenteng pagpasok at paglabas sa mga toll plazas.

NLEX

TRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with