^

Metro

27 pang Navotas police, sinibak din sa puwesto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
27 pang Navotas police, sinibak din sa puwesto
This file photo shows members of the Philippine National Police.
File

Sa insidente ng ‘mistaken identity’

MANILA, Philippines — Sinibak na rin sa puwesto ang nasa 27 pang pulis ng Navotas City Police kaugnay sa insidente ng ‘mistaken identity’ kung saan isang 17-anyos na binatilyo na si Jemboy Baltazar.

Ayon sa Northern Police District (NPD), ang mga sinibak sa puwesto ay sasailalim sa retraining at refresher courses matapos ang  kontrobersiyal na ‘mistaken identity’ na naganap sa Brgy. NBBS Kaunlaran sa Navotas  City.

Tanging ang mga may administrative duties lamang ang mananatili sa puwesto.

Matatandaang naglilimas ng tubig sa bangka si Jemboy kasama ang kaibigan nang paputukan  ng anim na  pulis na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Bagama’t todo tanggi ang mga pulis na hindi si Baltazar ang kanilang target, ni-relieve pa rin ang mga nagsagawa ng operas­yon at ngayo’y nakakulong sa NPD Headquarters.

Kinasuhan na rin ng recklesss imprudence resulting in homicide ang anim na pulis na sangkot sa shooting incident.

Bukod pa ang kasong grave misconduct na kasong administratibo.

Samantala, tiniyak naman ni Philippine National Police chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mabibigay ang hustisya at  proteksiyon sa pamilya ni Jemboy.

Bumisita si Acorda sa burol ni Jempoy kung saan tiniyak nito sa pamilya ng biktima na patututukan niya ang kaso upang masiguro na walang makukuhang VIP treatment ang mga sangkot na pulis.

NPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with