2 timbog sa P618K shabu

MANILA, Philippines — Timbog sa isinagawang buy-bust operation ang isang construction worker at isang recruitment agent kung saan nasamsam sa kanila ang nasa P618,000 halaga ng ilegal na droga sa Taguig City.
Sa ulat ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Roderick Mariano, inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Joher Padao, alyas Johner, 24, construction worker; at Jeric Baluyot, 28, recruitment agent, dakong alas-6:40 ng gabi, sa Brgy. Bagumbayan, Taguig.
Narekober sa mga suspect ang mga sachets ng shabu na tumitimbang ng nasa 91 gramo.
Isinailalim na sa inquest proceedings sa Taguig City Prosecutor’s Office ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest