^

Metro

Klase at pasok sa gobyerno sa Marikina, suspendido

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Klase at pasok sa gobyerno sa Marikina, suspendido
Nabatid na sakop ng kautusan ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod, gayundin ang lahat ng local government offices.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Suspendido ang klase, gayundin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Marikina City ngayong Lunes upang bigyang-daan ang opening parade at ce­remonies para sa ika-63rd Palarong Pambansa.

Nabatid na sakop ng kautusan ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod, gayundin ang lahat ng local government offices.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, nagpasya silang suspindihin ang klase at pasok sa mga government offices upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na saksihan ang naturang annual sports event. Inimbitahan din naman ni Teodoro ang lahat na saksihan at ma­kibahagi sa 63rd Palarong Pambansa, kung saan ang Marikina ang nagsisilbing host city.

“We invite everyone to witness and be part of the 63rd Palarong Pambansa, where the City of Marikina is the host city,” dagdag pa ni Teodoro.

Ang 63rd Palarong Pambansa ay sisimulan ngayong Lunes, Hulyo 31, at magtatagal hanggang sa Agosto 5.

Isasagawa ito sa Marikina Sports Center at lalahukan ng mga student athletes mula sa 17 rehiyon sa bansa.

KLASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with