^

Metro

Daan-daang biyahero na-stranded sa Port of Manila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Daan-daang biyahero na-stranded sa Port of Manila
Ang mahigit sa 400 pasahero na na-stranded sa Northport Passenger Terminal sa Pier 4, sa Manila dahil sa bagyong Egay.
Ernie Peñaredondo

Dahil sa bagyo

MANILA, Philippines — Umabot sa 400 pasahero patungo sa mga probinsya ang na-stranded kahapon sa Manila North Passenger Terminal nang hindi payagang makapaglayag ang kanilang mga sasakyang barko dulot ng bagyong Egay.

Nabatid na patungo sana ang mga pasahero sa Bacolod, Cebu, Zamboanga, Butuan, Dipolog, Cagayan, at Puerto Prinsesa kaya ngayon ay nanatili muna sa pantalan habang nag-aantay ng abiso ng kanilang byahe mula sa shipping lines.

“Mayroon pong mga naabisuhan na sa July 28 hanggang August 7 pa po ang byahe nila kaya naman tayo po sa pantalan ay naka-antabay sa mga assistance para sa mga pasahero, kabilang na dito ang PPA Lugaw, free charging station, free water refilling station, at paggamit po ng maayos na palikuran,” ayon sa Philippine Port Authority (PPA).

Tiniyak ni PPA Ge­neral Manager Jay Santiago na may maayos na masisilungan ang mga naistranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan habang regular rin ang pamamahagi nila ng pagkain lalo na ang mainit na lugaw.

Sa ulat naman ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng 6,716 pasahero, tsuper at helpers; 26 sea vessels; at 1,226 rolling cargoes ang istraded sa mga pantalan ng Bicol region.
Umabot naman sa 2,635 pasahero, tsuper at helpers; pitong sea vessels; 532 rolling cargoes; at 2 motorbanca ang istranded sa mga pantalan ng Eastern Visayas.  Habang sa mga pantalan ng Southern Tagalog at NCR-Central Luzon, ­umabot sa 1,429 pasahero, tsuper at helpers; 40 sea vessels; 272 rol­ling cargoes; at 25 motorbanca ang istranded.

Patuloy naman na nakaalerto ang lahat ng units ng PCG para sa agarang pagresponde sa mga ulat ng emergency habang pinananatili ang kaayusan sa mga pantalan.

MANILA NORTH

PASSENGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with