^

Metro

2 binatilyo tinatakan ng nakarambulang menor-de-edad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang dalawang binatilyo nang saksakin ng dating nakalaban sa riot, habang kumakain sa harapan ng isang convenience store sa Tondo, Maynila, madaling araw ng Sabado.

Ang mga biktima na hindi binanggit ang pangalan ay nasa edad na 14 at 15-anyos, at kapwa residente ng J. Abad Santos St., Tondo.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa panulukan ng Madrid at Barcelona St. sa Barangay 73, Tondo.

Nai-report ng duty security guard ng  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa pulisya ang insidente kaya kinunan ng salaysay ang mga biktima habang nasa ospital kung saan ikinanta nila ang isang  alyas Devans, 16, ang siyang sumaksak sa kanila.

Nabatid na ang mga biktima at ang suspek na children in conflict with the law (CICL) ay dati nang nasangkot sa rambulan sa naturang lugar.

vuukle comment

SUGATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with