^

Metro

BJMP: Congestion rate ng mga bilangguan, bumaba ng 358%

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bumaba pa ng 358% ang congestion rate ng mga bilangguan sa bansa.

Ito, ayon kay BJMP chief, Jail Director Ruel Rivera, ay mula sa da­ting 387% na congestion rate noong 2022.

Sa selebrasyon ng ika-32nd founding anniversary ng BJMP nitong Sabado, inamin naman ni Rivera na bagama’t bumaba ang congestion rate ay mahaba pa ang kanilang lalakbayin upang tuluyang matugunan ang overcrowding sa mga bilangguan.

Sa ngayon aniya ay mayroong 479 jail facilities sa bansa, kabilang na rito ang 142 na pawang mga bagong tayo lamang. Nasa 329 pa rin naman aniya sa mga ito ang nananatili pa ring congested.

Aminado si Rivera na matagal pang ma­reresolba ang decongestion sa mga piitan subalit ang mahalaga ay ginagawa aniya ng ahensiya sa tulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat upang mas agad na matupad ito.

Paniniguro pa niya, sa kasalukuyan ay wala silang mga overstaying na Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa BJMP bunsod na rin ng masu­sing koordinasyon sa pagitan ng kanilang mga tauhan at ng hukuman, gayundin ng masusing pag-monitor sa inaasahang araw ng paglaya ng mga bilanggo.

Sinabi ni Rivera na ang lahat ng mga may release order ay agad na pinalalaya upang makasama ang kanilang pamilya.

Samantala, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr., pinag-aaralan na nila na mabigyan ng trabaho at matitirhan ang mga preso na lalaya.

“So bago mo ila­labas ‘yan, ihahanda mo na ‘yan. Titingnan mo skills niya. ‘Pag labas mo, baka pwede kang magtrabaho sa kumpanyang ito. Kino-contact na namin ‘yung company. I’m sure ma­raming programs ang LGUs. At maraming tutulong na NGOs. So dun mag-job matching ka na,” ani Abalos. - Doris Franche-Borja

vuukle comment

BJMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with