^

Metro

Obrerong nakikitira lang, nag-molestiya ng 9-anyos

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang isang construction worker na nakikitira lang sa bahay ng katrabaho makaraang abusuhing sekswal ang isang 9-taong gulang na nene sa may San Andres Bukid, Maynila kahapon ng umaga.

Nakakulong na ngayon sa Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District ang suspek na si Jefferson Ocenar, 35-taong gulang, makaraang ipaaresto ng mga magulang ng kaniyang biktima.

Sa ulat, sinabi ng biktima na natutulog siya sa kanilang bahay sa may Brgy. 755, San Andres Bukid, nang maramdaman niya na may tumabi sa kaniya at hinipo ang kaniyang kaselanan.  Dito niya nakilala si Ocenar na ipinasok pa ang daliri sa kaniyang ari.

Maya-maya, nagpanggap ang biktima na nagugutom at pumunta sa kusina para maghanap ng pagkain upang makatakas sa suspek.  Dito niya hina­nap ang mga magulang at agad na isinuplong ang ginawa sa kaniya ng suspek.

Humingi naman ng tulong sa mga opisyal ng barangay at pulis ang mga magulang ng biktima dahilan para ­arestuhin si Ocenar.

Nahaharap na nga­yon ang suspek sa kasong Statutory Rape sa Manila City Prosecutor’s Office.

ANA POLICE STATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with