5,300 trabaho bubuksan sa Caloocan mega job fair
MANILA, Philippines — Mahigit sa 5,300 job vacancies ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa kanilang idaraos na “Mega Job Fair” para sa mga residente na naghahanap ng trabaho sa Biyernes, Hulyo 7.
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) isasagawa ang mega job fair sa Caloocan City Sports Complex.
Ani Malapitan, dapat na samantalahin ng mga job seekers ang pagkakataon na makahanap ng maayos na trahabo.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Malapitan sa Caloocan-PESO at sa 53 partner companies sa patuloy na suporta upang mataguyod ng mga residente ng Caloocan ang kanilang pamumuhay.
“Alam po natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at stable na hanap-buhay kaya naman po prayoridad ng pamahalaang lungsod na gumawa ng mga programang maglalapit ng mga oportunidad sa ating mga kababayan. Asahan po ninyo na mada-dagdagan pa ang ganitong mga klase ng proyekto para sa ikauunlad ng Lungsod ng Caloocan,” ani Malapitan.
- Latest