^

Metro

4 pang minors nasagip sa online sexual abuse

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na menor-de-edad ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagtulungan ng Taguig City government mula sa online sexul abuse sa isinagawang operasyon, sa Upper Bicutan, noong nakalipas na linggo.

Hindi naman naaresto ang suspek na responsable sa krimen.

Dinala ang mga kabataan sa Camp Crame para sa kanilang pisikal at medico-legal na pagsusuri.

Nakatakda rin silang sumailalim sa counseling at psychosocial intervention.

Sinabi ng mga menor- de-edad na sa Facebook lamang nila nakilala ang suspek.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano na nagsusumikap sila na sugpuin ang mga krimen sa lungsod lalo na sa mga paglabag sa karapatan ng mga menor- de-edad.

Una nang nailigtas ng pulisya kasama ang mga tauhan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang 12 menor-de-edad na kinabibilangan ng 11 biktima ng human trafficking at isang online sexual abuse sa tatlong magkakahiwalay na operasyon noong Mayo.

vuukle comment

PNP

TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with