^

Metro

Bebot pinatay ng nobyo dahil sa selos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bebot pinatay ng nobyo dahil sa selos
Ang hinukay na mga labi ni Arjean Cabangunay na inilibing ng nobyo niyang suspect sa isang bakanteng lote sa Caloocan.
STAR/ Miguel De Guzman

Inilibing sa bakanteng lote sa Caloocan

MANILA, Philippines — Nahukay sa isang ba­kanteng lote sa Caloocan City ang bangkay ng isang babae na pinatay ng kanyang nobyo dahil sa matinding selos.

Sa loob ng subdivision sa Barangay 171, North Caloocan, tinungo ng mga awtoridad ang isang bakanteng lote  at doon nahukay ang mga labi ng biktimang si Arjean Cabangunay, 21, ng Balong Bato, Quezon City.

Nasa kustodiya na nga­yon ng pulisya ang nobyong suspek na si Jeffrey Montales.

Ipinagtapat ng suspek, na Linggo nang mapatay niya  ang katipan ngunit nito lamang Martes niya inilibing sa Brgy. 171, Bagombong, Caloocan.

Nabuking ang krimen ng suspek matapos mabasa ng mga kaanak ng biktima ang mga mensahe nito na magkikita sila ng nobyo.

Nabatid na may ka-chat umano si Cabangunay na pinagseselosan ni Montales na siyang nagtulak sa kanya para sakalin at mapatay ng nobya.

Sinabi ni PMaj. Jose Hizon, commander ng Caloocan City police substation 9, gusto nang humiwalay ng biktima sa suspek na humantong sa pagtatalo hanggang sa mapatay ng huli ang una.

Aminado naman ang suspek na nagawa niya ang krimen dahil sa matinding pagseselos.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment

SELOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with