^

Metro

Biyahe ng LRT-1, natigil ang operasyon dahil sa nagkaaberyang tren

Mer Layson - Philstar.com

MANILA, Philippines — Pansamantalang natigil ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) kahapon ng hapon matapos na magkaaberya ang isa sa mga tren nito.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nanga­nga­siwa sa operasyon ng LRT-1, nabatid na dakong alas-2:42 ng hapon nang unang magpatupad ang linya ng tren ng 25KPH restriction mula Baclaran Station sa Parañaque City hanggang sa Roosevelt Station sa Quezon City.

Ito’y dahil sa isang tren na tumirik sa southbound ng EDSA Station.

Pagsapit ng alas-2:46 ng hapon ay tuluyan nang ipinatupad ang stop for safety sa linya.

Tiniyak naman ng LRMC na kaagad na tinugunan ng kanilang mga technician ang problema.

Humingi rin ito ng pang-unawa sa publiko dahil sa nangyari.

Pagsapit naman ng alas-2:58 ng hapon ay naayos na ang problema at tuluyang naibalik sa normal ang biyahe ng LRT-1.

vuukle comment

LRMC

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with