^

Metro

Bagong Pritil Market, itatayo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bago, mas mahusay at mas organisadong Pritil Market na mananatiling pampubliko at patuloy na mag-aalok ng patas na presyo sa mga market­goers ang itatayo.

Ayon ito kay Manila Mayor Honey Lacuna, matapos ang pagkasunog sa lumang Pritil Market.

Sinabi pa ng alkalde na   may kabuuang 491 stall holder sa wet and dry goods ang makikinabang pa rin sa tatawaging  “Bagong Pritil Market”.

Ininspeksyon ng alkalde ang natupok na palengke at nakipag-usap na rin sa mga stall owner  kung saan tiniyak niya sa mga ito  na sa bagong pamilihan na itatayo ay mananatiling pag-aari ng lungsod.

Ikinalungkot ni Lacuna na ang buong palengke ay kailangang gibain para bigyang-daan ang pagtatayo ng bago, dahil hindi na umano maaari ang rehabilitasyon ayon sa mga eksperto, at para hindi makompromiso ang kaligtasan ng marketgoers at manininda.

PRITIL MARKET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with