^

Metro

Single ticketing system, arangkada na sa sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Single ticketing system, arangkada na sa sa Metro Manila
Motorists and commuters experience a bumper-to-bumper traffic along the southbound lane of EDSA in Quezon City on April 11, 2023.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ratsada na simula ngayong araw, Mayo 2 ang pilot implementation ng single ticketing system para sa mga paglabag sa trapiko sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA spokesperson Melissa Carunu­ngan na susu­bukin muna nila ang sistema sa mga piling lugar upang matukoy ang anumang lapses o adjustments bago ito ilunsad sa buong rehiyon.

Pitong lungsod sa Metro Manila ang dapat sana ay lalahok sa pilot implementation kabilang dito ang Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa,  Caloocan, Valenzuela, at San Juan.

“Ito ay magiging malaking ginhawa para sa mga motorista dahil sa loob ng single ticketing system, ang top 20 most common traffic violations ay may pare-parehong multa, contesting procedures, at digital payment platforms kagaya ng GCash, Maya, at Landbank,” ani Carunungan.

Kasama sa Metro Manila Traffic Code of 2023, na magsisilbing guidelines para sa system, ang mga parusa para sa mga sumusunod na paglabag sa trapiko:

Disregarding traffic signs, illegal parking (attended and unattended),

number coding UVVRP, truck ban, light truck ban, reckless dri­ving, unregistered motor vehicle,driving without license, tricycle ban, ­obstruction, dress code for motorcycle, overloading, defective motorcycle accessories, unauthorized modification, arrogance/discourteous conduct (driver),loading and unloading in prohibited zones,illegal counterflow at overspeeding.

Ang multa para sa mga paglabag ay mula P500 hanggang P5,000, ayon sa MMDA.

Sinabi ni Carunu­ngan na maglalagay din ang MMDA ng 900 enforcer para sa pagpapatupad ng single ticketing system.

SINGLE TICKETING SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with