^

Metro

Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat - NWRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng tubig sa Metro Manila, sapat - NWRB
Some residents of Tondo and Binondo area line up their empty containers to buy and store water following a water interruption in both districts on March 24, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak ng  National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng banta ng pananalasa ng El Niño sa bansa.

Ayon kay NWRB ­Executive Director Sevillo David Jr., bagamat sapat ang suplay ng tubig, kinakailangan pa rin na magtipid ang publiko sa paggamit nito.

Binanggit nito,  normal pa naman ang suplay ng tubig sa Angat Dam na nasa 197.29 meters na pangunahing source ng tubig sa Metro Manila.

“Sa tingin natin, may sapat tayong supply ng tubig para sa kababayan natin, partikular sa panahon ng tag-init. Kaya lang, kailangan natin ipunin... magkaroon ng conservation ng supply natin para mapaghandaan ang threat ng El Niño,” pahayag ni David.

Sinabi pa  ni David na walang malaking impact ang pagtataas sa water allocation sa Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) concessionaires sa 52 cubic meters sa buwan ng Abril.

Ganoon pa man, kailangan natin i-monitor ang kasalukuyang development sa Angat Dam, lalo na sa pagpasok ng El Niño na posibleng pumasok bago magtapos ang taon at tatawid sa susunod na taon,” dagdag ni David.

Una nang sinabi ng NWRB na may contingency plan na ang kanilang hanay sakaling kapusin ang suplay ng tubig.

vuukle comment

NWRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with