^

Metro

Ginang patay , 1 sugatan sa pamamaril sa Taytay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi,  habang isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang naglalakad pauwi, kasama ang kanyang anak, sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang ginang na si Annalyn Moriones dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan,  habang sugatan at nilapatan naman ng   lunas sa Taytay Emergency Hospital ang bystander na si Bona Gabayeron dahil sa tama ng bala sa kanang braso.

Samantala, inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa salarin, na mabilis na tumakas bitbit ang ginamit na baril.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang krimen sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang pamamaril ay naglalakad si Moriones, kasama ang kanyang anak, pauwi sa kanilang tahanan, nang bigla na lang siyang pagbabarilin ng salarin na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Masuwerte namang hindi nadamay ang kanyang anak ngunit tinamaan ng ligaw na bala si Gabayeron, na nagkataon lamang na nasa lugar.

Masusi nang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen para sa agarang ikareresolba nito. - Trainees, Jessica Dejarlo at Gillian Paul Abayon

vuukle comment

ANALYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with